November, 15, 2024

Irrigation services sa Magallanes, siniguro ng National Irrigation Authority

“HANGGA’T may lupa tayo na gustong patubigan, nandito ang NIA”

Ito ang siniguro ni National Irrigation Administration (NIA) CBIMO Division Manager, Engr. Romulo Angeles, sa mga magsasaka sa bayan ng Magallanes sa Magallanes Onion Harvest Festival at Onion Production seminar sa Barangay Pacheco noong Pebrero 5, 2024.

Sa kanyang mensahe, binigyang pansin ni Angeles ang kahalagahan ng pinagsama-samang inisyatibo upang lubos na mapakinabangan ng mga magsasaka ang kanilang mga serbisyo.

Aniya, hindi natatapos ang tulong ng kanilang ahensya. Siniguro rin ni Angeles ang patuloy na pag-agapay ng kanilang tanggapan upang magkaroon ng patubig ang mga lupang sakahan nang sa gayon ay mapaunlad ang agrikultura sa rehiyon.

Matatandaang taong 2019 nang makumpleto ang Pacheco Solar Pump Irrigation System na nakapagbigay ng patubig para sa 45 ektaryang lupain.

Ayon sa NIA, nasa 24 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang nakinabang sa nasabing proyekto. (National Irrigation Administration Calabarzon)

Scroll to Top