PBBM nangako sa permanenteng solusyon sa programang repormang agraryo; upang maisakatuparan ang mga tunay na programa sa reporma sa lupa na sinimulan ng kanyang ama

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na uubusin ng administrasyon ang lahat ng mga legal na remedyo upang maghanap ng permanenteng solusyon sa mga isyung agraryo ng mga magsasaka, na nangangako na maisakatuparan ang mga tunay na reporma sa lupa na sinimulan ng kanyang yumaong ama, si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
“Ayoko ng Band Aid solusyon. Ang hanap ko ay permanenteng lunas,” saad ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa 3,184 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa rehiyon ng Caraga.
Ang tinutukoy ni Pangulong Marcos ay ang Executive Order 4 na inilabas niya noong Setyembre 13, 2022 na nagpataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng amortization at interes sa utang sa agraryo, na nagbibigay sa mga magsasaka ng kaunting puwang sa pananalapi mula sa kanilang mga utang.
Aniya, gayunpaman, na ang EO ay pansamantalang solusyon lamang sa problema ng mga magsasaka, na nag-udyok sa kanya na lagdaan ang Republic Act 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act, na nakikinabang sa mahigit 600,000 ARBs sa buong bansa.
“Bagama’t maituturing natin itong tagumpay, hindi pa po tapos ang laban. Layunin kong matapos ang pamamahagi ng lupang saklaw ng Agrarian Reform Program bago matapos ang aking termino,” ayon pa sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na ikinatutuwa din niyang mapansin na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay nakapagpamahagi ng mahigit 90,000 titulo ng lupa noong nakaraang taon, na halos dinoble ang orihinal na target na 50,000 titulo lamang.
“At ang 3,184 na titulo na ipapamahagi natin sa araw na ito ay patunay na kanilang patuloy na pagsisikap. Sana matuldukan na ang land distribution. Matagal na dapat dumating ito sa kanyang hangang,” sabi ni Pangulong Marcos.
Bagama’t layunin ng pamahalaan na makumpleto ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa, tiniyak ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang pamamahagi ng suporta at tulong sa mga magsasaka.
Nangako rin siya na magtatagumpay sa hindi natapos na pakikibaka ng kanyang ama sa repormang agraryo habang ibinahagi niya ang ilang mga proyekto na itinayo ng kanyang yumaong ama.
“Mayroon ding mga ipinaglaban ang aking ama na dapat nating tapusin. At ‘yan ang agrarian reform … nakakagulat itong proyektong ito ay sinimulan ng aking ama: agrarian reform. That was his first na pinirmahan na batas, agrarian reform,” ayon dito.
“Agrarian reform remains an unrealized dream because the emancipation of farmers does not end with the receipt of titles declaring ownership of the land they are already tilling. They must be unshackled from debt, freed from high cost of inputs, relieved of constraints that impoverish them,” dagdag pa nito.
Bumisita si Pangulong Marcos sa Caraga kung saan binigyan siya ng briefing tungkol sa sitwasyon ng mga residente at ang epekto ng pagdaan ng low-pressure area sa rehiyon. (Halaw mula sa Presidential Communications Office/PND)